Wednesday, October 10, 2018

Lakbay Sanaysay

Luneta Park, Maynila

Tourist Spot sa Maynila

Ang aming grupo ay naghanap ng lugar na makasaysayan at madalas puntahan o bisitahin ng mga turista sa pilipinas, At sa aming paghahanap ay nadiskubre namin ang pinakamalapit na tourist spot, ito ay ang luneta park sa Lungsod ng Maynila. Naging makasaysayan ang lugar na ito sa kadahilanang dito namatay ang isa sa mga bayani ng pilipinas na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose P. Rizal. Ang luneta park/rizal park ay kilala noon sa tawag na bagong bayan. Sa nasabing tourist spot binaril ang bayani. Alam niyo ba na ang huling salitang binigkas ni Rizal bago siya barilin ay "Consummatum Est" na nangangahulugang "natapos na."

                                   

Dumako naman  tayo sa National Museum of Natural History, ang museum ay mayroong iba't ibang makasaysayang bagay o artifacts, kapansin pansin din ang arkitekto at at disenyo nito. May iba't ibang halaman at hayop na makikita na naka - preserved at nakadisplay sa bawat kwarto, sumunod naman ay tungkol sa pinagmulan ng tao at kung paano sila namuhay noon, dito mo maihahambing ang pamumuhay noon at ngayon.

                                     

                                     

Matapos sa dalawang museum ay puntahan naman natin ang Lapu - lapu monument. Alam niyo ba na ang Lapu - lapu monument o "Statue of monument sentinel of freedom" ay regalo ng mga taga South Korea sa mga pilipino sa kanilang pagtulong upang iligtas ang "Korean Democracy." Maliban sa monument na ito ay mayroong dalawang statue sa Mactan cebu at sa Pacea de roxas.

                                           

Matapos kay Lapu - lapu punta naman tayo sa Chinese Garden at Japanese Garden, kung napagod ka kakalakad at mamangha sa mga nakita mo ay maaari kang mag relax at mag meditate sa Chinese garden, dito ay may gazeboo, lagoon at corridor. Oh diba? dami mo ng napuntahan, Alam mo ba na ang Chinese garden ay sumisimbolo sa peace at friendship ng pilipinas at china.

          

Syempre hindi mawawala ang Rizal Monument, mapapansin sa statue ang hawak na libro ng bayani na sumisimbolo daw sa dalawang akda nito na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Alam niyo rin ba ang orihinal na pamagat ng Rizal Monument ay "Motto Stella" ito ay salitang latin na ang ibig sabihin ay "Guiding Star."


                                                      
Andyan din syempre ang watawat ng pilipinas na may apat na kulay: pula, asul, dilaw, at puti, pula sumisimbolo sa pagiging makabayan at kagitingan ang asul naman ay sa kapayapaan, katotohanan at katarungan,ang puti naman ay sa pagkapantay - pantay, pagkakapatiran at ang dilaw naman ay sa sinag ng araw na walong probinsyang pinailalim sa martial law at ang tatlong bituin sa luzon, visayas at mindanao.

                                                         
Ang pinakahuli ay ang pambansang hayop ng pilipinas ang kalabaw na sumisimbolo sa kasipagan at pagiging matiyaga ng bawat pilipino, dito sa blog na ginawa namin ay natutunan namin ang pagpapahalaga, pagoorganisa at pagaayos ng mga pilipino sa mga makasaysayang lugar at pangyayari sa tinuturing nilang aral sa buong bayanat ang pagmamahal sa nasabing bansa.

                                       

No comments:

Post a Comment